MRT3 Now Using Traze in Stations

May 03, 2021

Last April 19, 2021, the full implementation of Traze Contact Tracing App was mandated in the MRT-3, to help automate the contact tracing and mitigate the further spread of the virus in the trains.

MRT-3 has been promoting the use of the Traze App in their facebook group, especially instructions as to how to use Traze at the stations.





MAHALAGANG PAALALA
Para sa mga pasahero ng MRT-3 na gagamit ng TRAZE contact tracing application, mahalaga na makapag-scan ng QR code sa tatlong lugar:

1. Entry station
2.Loob ng bagon
3. Exit station

Una, sa papasukang istasyon, i-scan ang QR code na kulay BERDE at may label na "For Entering Passengers, Scan Here".

Pangalawa, piliin naman ang “Traze Train Coach” at i-scan ang QR code sa loob ng tren.

Kapag nakarating na sa destinasyong istasyon, piliin sa app ang “Traze QR Code at exit gate” at i-scan ang QR code na kulay PULA at may label na "For Exiting Passengers, Scan Here".

Paano kung nakalimutang mag-scan ng QR code sa istasyon o sa loob ng tren?

May manual option kung hindi nakapag-scan ng QR code. Pindutin lang ang "Forgot to Time Out" at i-input ang istasyon, petsa, at oras ng biyahe.

Ang TRAZE ay ang bagong contact tracing application na gagamitin ng MRT-3 upang mas mapadali ang proseso ng monitoring at tracking ng mga pasahero upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

(Source: DOTr MRT-3 Facebook, posted April 3, 2021)

There was a 1 month soft launch of Traze wherein users were guided and trained how to download, sign up and use Traze at the stations.

According to their latest post, now that Traze is fully implemented, more and more passengers are using Traze App instead of doing manual contact tracing in the stations.



TINGNAN: Mas maraming pasahero na ng MRT-3 ang gumagamit ng TRAZE, ang contact tracing app na ipinatutupad sa buong linya upang mas madaling ma-monitor at mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.



Dinevelop ang TRAZE ng Philippine Ports Authority at Cosmotech Philippines, Inc. Sa railways sector, ang MRT-3 ang unang nagpatupad ng app, na itinatakda rin para sa full system integration sa national contact tracing app na StaySafe.

Libre mada-download ang TRAZE sa Google Play, Google Play, App Store, Huawei AppGallery, Samsung Galaxy Store, Oppo App Market, o Vivo AppStore.

Gumagamit ang app ng QR codes, na tatlong beses ini-scan ng mga pasahero: sa kanilang entry station, sa loob ng tren na sasakyan, at sa exit station.

Isang in-app notification ang matatanggap ng sinumang pasaherong nakasalamuha ng nagpositibo sa COVID-19, upang agad silang makapag-isolate o makapag-quarantine.

Para sa mga pasaherong walang smartphone, maaaring gamitin ang manual contact tracing form sa mga istasyon.

(Source: DOTr MRT-3 Facebook, posted April 27, 2021)